Posts

Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada

Image
  Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada Isang hapon may isang magtotroso na nagtungo sa kagubatan upang pumutol ng isang puno upang gawing panggatong. Pinili niya ang isang mataas at tuwid na puno sa tabi ng isang lawa. Sinimulan niyang putulin ito ng kanyang palakol. Ang ingay na nilikha ng palakol ay umalingawngaw sa buong kagubatan. Mabilis ang pagkilos ng lalaki sa dahilang ayaw niyang abutan siya ng dilim. Nang di sinasadya, ang talim ng palakol na kanyang tangan ay tumilapon sa lawa. Agad niyang sinisid ang lawa ngunit sa kasawiang palad nabigo siyang makita ang kanyang hinahanap. Naupo siya sa paanan ng puno at nag-isip kung ano ang susunod niyang gagawin. Nang biglang lumitaw sa kanyang harapan ang isang engkantada, “Ano ang problema mo?” “Ang talim ng aking palakol ay nahulog sa tubig, tugon niya. Hindi ko alam kung ito’y makikita ko pang muli.” “Tingnan natin kung ano ang aking maitutulong sa iyo,” wika ng engkantada sabay talon sa lawa. Paglitaw ng diwata ay may hawa...